Tula para kay VJ
















Nakaupo tayo noon sa lumang upuan





Sa tanggapan ng pahayagan





na ating pinaglingkuran










Lagi at lagi na lang





napipili kitang daraingan





ng mga bumabagabag





sa aking isipan










problema sa pinansya,





pamilya, sa eskwela





lagi at lagi ring





ikaw ay nakikinig










nagpapayo, sumisimpatya





sabi mo, tulad ng iyong pamilya





darating ang isang araw





kami rin ay liligaya










hindi ko halos mabilang





kung ilang beses,





at kung anu-anong paraan





ang ginawa mo upang





ako ay tulungan










nariyang inihalili mo ako





sa iniwang trabaho





bilhan ng tinda ko





at para sa bitamina ng lola ko





o gamot ng nanay ko





pambili inaabot mo










Higit sa lahat





sa iyong payo ako ay namulat










Pag-asa ang hatid





sa tulad kong pighati'y walang patid










Sayang, kaibigan





dahil kung meron man akong pag-aalayan





ng kung anumang meron ako ngayon





siguradong kasama ka roon










sa iyong kinaroroonan





kung saan ay walang karahasan





dungawin mo ang aking laban





dito sa buhay na walang katiyakan










Setyembre 14, 2010. 4:42PM





Comments

Popular Posts