Ang Patuloy na Panganganak ng Inang-Bayan
Patuloy na nanganganak ang bayan
Ng mga batang handang itindig
Ang dangal ng bayang matagal
Nang sadlak sa kahirapan
Sa kabila ng pumupunit na sakit
sa loob ng kanyang sinapupunan
Iniluluwal ng inang bayan
Ang mga sanggol na sumisipa
Matapang umuha, handang lumaban
Kasisilang pa lamang ng sanggol
Baon na ang kanyang ina't ama sa utang
Nakasanla ang kanilang kalabaw at bukid
Sa Aleng mayaman
Anak kayo ng anak, kayo talagang mahihirap
Yan ang putak sa tuwing siya ay haharap
Upang maningil ng pautang
At may pahabol pa ang Aleng mayaman
na ang kinulekta ay interes pa lang
Ang kanyang ama, isang araw
Nahulog mula sa kalabaw
Naratay sa ospital ng ilang araw
Pagkaraan ay pumanaw
Naulila ang mag-ina
Halos mawalan ng pag-asa
Binalot ang kanilang kakarampot
na kagamitan, ang iba'y pinamigay
Dala ang sanggol at bulsikot
Tumungo sa pier
Bibyahe sila tungong Maynila.
Pagdating ng lungsod
Nakitira sila sa malayong kamag-anak
Pinaglilinis ang kanyang ina
Kapalit ng paninirahan
Sa gabi ay nagtinda ng sitsaron sa Edsa
pandagdag sa kita
Minsa'y umuwi ang kanyang inang luhaan
Itinaboy daw ng mga pulis at sinamsam
ang kanyang paninda, at muntik pa syang isama
Ngunit nanatiling buo ang loob ng kanyang ina
Sa pagkakataong ito, ako'y mangingibang-bayan
Ang planong kanyang napag-isipan
kaya di nagtagal, naghanda na naman ng maleta
ang kanyang ina, sa Jeddah raw pupunta
Pagkalao'y umalis na ang kanyang ina
At siya'y naiwan sa kanyang tiya
Na sabik na umasa sa darating na padala
Pabango, damit, tsokolate, kuwarta
Hindi naglao'y nagbakasyon ang kanyang ina
Hindi niya halos nakilala
Magara ang porma, me kolorete ang mukha
Ito nga ba ang kanyang ina?
Nangahas siyang magtanong, bakit naging iba?
Kailangan kong makisabay sa aking mga amiga
Ang sagot ng ina - at ang tanong nyang pangalawa
babalik ka pa ba?
Kailangan daw, dahil wala pa syang naipon,
at doon ay may nahanap na syang iba
Natuliro ang kanyang isipan
Nabagabag ang kanyang kalooban
Buong akala niya'y tapos na, hindi pa pala
Hindi nya nagustuhan ang pagbabago ng ina
Nasaan nga ba ang problema, sa sarili'y tanong nya
bakit nagkaganito ang aking ina?
Ang kanyang buong akala
Matatapos nang masaya ang
kanilang pangit na simula
Nangako sya sa sarili
Susubukin niyang itama
Ang mga gawang mali
upang ngumiti ang bukas
At patuloy na manganganak
ang bayan
ng mga batang
sana ay tulad nya
Ng mga batang handang itindig
Ang dangal ng bayang matagal
Nang sadlak sa kahirapan
Sa kabila ng pumupunit na sakit
sa loob ng kanyang sinapupunan
Iniluluwal ng inang bayan
Ang mga sanggol na sumisipa
Matapang umuha, handang lumaban
Kasisilang pa lamang ng sanggol
Baon na ang kanyang ina't ama sa utang
Nakasanla ang kanilang kalabaw at bukid
Sa Aleng mayaman
Anak kayo ng anak, kayo talagang mahihirap
Yan ang putak sa tuwing siya ay haharap
Upang maningil ng pautang
At may pahabol pa ang Aleng mayaman
na ang kinulekta ay interes pa lang
Ang kanyang ama, isang araw
Nahulog mula sa kalabaw
Naratay sa ospital ng ilang araw
Pagkaraan ay pumanaw
Naulila ang mag-ina
Halos mawalan ng pag-asa
Binalot ang kanilang kakarampot
na kagamitan, ang iba'y pinamigay
Dala ang sanggol at bulsikot
Tumungo sa pier
Bibyahe sila tungong Maynila.
Pagdating ng lungsod
Nakitira sila sa malayong kamag-anak
Pinaglilinis ang kanyang ina
Kapalit ng paninirahan
Sa gabi ay nagtinda ng sitsaron sa Edsa
pandagdag sa kita
Minsa'y umuwi ang kanyang inang luhaan
Itinaboy daw ng mga pulis at sinamsam
ang kanyang paninda, at muntik pa syang isama
Ngunit nanatiling buo ang loob ng kanyang ina
Sa pagkakataong ito, ako'y mangingibang-bayan
Ang planong kanyang napag-isipan
kaya di nagtagal, naghanda na naman ng maleta
ang kanyang ina, sa Jeddah raw pupunta
Pagkalao'y umalis na ang kanyang ina
At siya'y naiwan sa kanyang tiya
Na sabik na umasa sa darating na padala
Pabango, damit, tsokolate, kuwarta
Hindi naglao'y nagbakasyon ang kanyang ina
Hindi niya halos nakilala
Magara ang porma, me kolorete ang mukha
Ito nga ba ang kanyang ina?
Nangahas siyang magtanong, bakit naging iba?
Kailangan kong makisabay sa aking mga amiga
Ang sagot ng ina - at ang tanong nyang pangalawa
babalik ka pa ba?
Kailangan daw, dahil wala pa syang naipon,
at doon ay may nahanap na syang iba
Natuliro ang kanyang isipan
Nabagabag ang kanyang kalooban
Buong akala niya'y tapos na, hindi pa pala
Hindi nya nagustuhan ang pagbabago ng ina
Nasaan nga ba ang problema, sa sarili'y tanong nya
bakit nagkaganito ang aking ina?
Ang kanyang buong akala
Matatapos nang masaya ang
kanilang pangit na simula
Nangako sya sa sarili
Susubukin niyang itama
Ang mga gawang mali
upang ngumiti ang bukas
At patuloy na manganganak
ang bayan
ng mga batang
sana ay tulad nya
Comments
Post a Comment