AUBADE*

Sa ngayon Wari'y kay dilim ng panginorin Para sa ating dalawa Sala-salabid ang mga tinik Makapal ang ulap Tumatakip sa ating Kinabukasan Sa kasaysayan ang mga mangingibig ay mga mandirigma rin nakikihamok upang lumigaya Hindi pa man nagwawakas Sa dulo ng laban Tayong dalawa. *Sa salitang Ingles: awit ng mga pusong nag-iibigan sa kanilang paghihiwalay sa bukang-liwayway

Comments

Popular Posts